Bakit Masarap Maging Pilipino?

Kausap ko lang yung mga kaibigan ko nung isang araw tungkol dito. Madalas, hindi ko naiisip na masarap maging Pilipino. Lalo na ngayon, may mga balita na hindi nakakatuwang pakinggan {kanta na ginagawang speech, ganyan}. Minsan naman, sobrang sikip ng daloy ng trapiko, at maraming Pilipino ang nahihirapan na sumakay ng MRT.

Sa totoo lang, tanggalin lang yung liko likong trapiko at korupsyon, ayos naman ako sa Pilipinas eh. Masaya naman ako sa trabaho ko, kumakain ng tatlong beses sa isang araw at hindi ko kailangan ma-trapik para makapasok sa opisina. Nagagawa ko ang gusto ko mas madalas sa hindi at nakakaipon at invest ako. Ang dami daming beses ko na sinagot ang tanong na "Bakit nasa Pilipinas ka pa eh yung pamilya mo umalis na?"

Ito ang dahilan kung bakit: Kasi walang lugar na tutulad ng kung saan ka lumaki. 

Totoong pinag-aabalahan ko at pinag iipunan ko makarating ng ibang bansa para maka bisita. Pero pagtungtong ng ika-labing apat na araw, dilat na yung mata ko kakahanap ng kanin at pagkain na Pinoy. Gustong gusto ko na magTagalog. Minsan sa Toronto, nakipag usap ako sa Pinay na housekeeping lady ng trenta minutos kasi miss na miss ko na magTagalog at makipagkwentuhan ng tungkol sa TFC, ganyan.

Eh dito nga sa Pilipinas di ako nanonood ng TV. Pero ganun pala talaga.

Kapag sa eroplano, sayang saya ako kausap ang mga OFW. Kapag kasi wala ka sa bansa mo, nakikita mo lahat ng mali sa bansa mo {trapiko, gobyerno, etc} pero maiisip mo din na madami palang masaya kung san ka galing. Walang katulad ang lasa ng pagkain {Chickenjoy!}, yung saya ng mga tao pag Pasko, yung close kayo agad kasi fan kayo pareho ni Piolo Pascual. O minsan kasi may mga bagay lang na nagkakaintindihan kayo kasi pareho kayong taga Pilipinas, tulad ng pagmamano {na hindi ko naman ginagawa}, yung mga pyesta, or kailangan pagdating ng 4 PM, merienda na. Minsan sa Canada office namin, may Pinay na binigyan ako ng snacks kasi alam nya na talagang kelangan magmerienda. Minsan naman sa Japan, binigyan ako ng ambassador ng Japan ng scarf kasi daw malamig, baka sipunin ako eh sanay tayo sa init, di ba? Nung minsan sa Mexico, kulang na lang lagyan ako ng arko kasi kababayan ko daw si Pacquiao, kaya special ako sa kanila.

#SarapMagingPilipino Eto may mga hindi Pilipino pero sayang saya maging Pilipino

Sobrang daling isipin ng mga mali sa bansang 'to -- at madami yon. Pero ganun naman ang pagmamahal di ba? Minsan hindi mo iindahin yung mga hindi maganda, at patuloy na magfofocus sa maganda. 

Ganun, ganun kasarap maging Pilipino. Maligayang Araw ng Kalayaan!

PS: Hindi pala biro sumulat ng Tagalog. :D Para sayo, bakit masarap maging Pilipino?

Catch my daily posts via Live an Inspired Life on Facebook!